Tungkol sangTreasury Bureau

Tungkol sangTreasury Bureau

Binubuo ang mga Treasury Bureau ng 98% ng puwersang manggagawa ng Treasury at may tungkuling magsagawa ng mga partikular na operasyong iniatas sa Departamento.  Ang mga Treasury bureau ay:

 

The Alcohol and Tobacco Tax and Trade Bureau (TTB)

Ang Alcohol and Tobacco Tax and Trade Bureau (TTB) ang may tungkuling ipatupad at pamahalaan ang mga batas na sumasaklaw sa paglikha, paggamit at pamamahagi ng mga produktong alak at tabako.Nangongolekta rin ang TTB ng mga excise tax para sa mga armas at bala.

 

The Bureau of Engraving & Printing (BEP)

Ang Bureau of Engraving & Printing (BEP) ang nagdisenyo at gumagawa ng salapi ng U.S., mga security, at iba pang opisyal na sertipiko at parangal.

 

The Bureau of the Public Debt (BPD)

Ang Bureau of the Public Debt ang nanghihiram ng perang kinakailangan upang mapatakbo ang Pederal na Gobyerno.Pinapamahalaan nito ang pampublikong utang sa pamamagitan ng paglalabas at pagbibigay ng U.S. Treasury marketable, mga ipon at espesyal na seguridad.

 

The Financial Crimes Enforcement Network (FinCEN)

Ang Financial Crimes Enforcement Network (FinCEN) ang sumusuporta sa mga pagsisiyasat para sa pagpapatupad ng batas at naglilinang ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensiya at pandaigdigang pakikipagtulungan laban sa mga lokal at internasyonal na krimeng pampinansyal.Binibigyan rin nito ang mga mambabatas sa U.S. ng mga istatehikal na pagsusuri ng mga lokal at pandaigdigang trend at pattern.

 

The Financial Management Service (FMS)

Ang Financial Management Service (FMS) ang tumatanggap at nagbabahagi ng lahat ng salapi ng publiko, nagpapanatili ng mga pananalapi ng gobyerno, at naghahanda ng pang-araw-araw at buwanang pag-uulat sa katayuan ng pananalapi ng gobyerno.

 

The Internal Revenue Service (IRS)

Ang Internal Revenue Service (IRS) ang isa sa pinakamalaking bureau ng Treasury.Tungkulin nitong tukuyin, suriin at kolektahin ang panloob na nalikom na buwis sa Estados Unidos.

 

The Office of the Comptroller of the Currency (OCC)

Ang Office of the Comptroller of the Currency (OCC) ang naglilisensya, namamahala, at nangangasiwa sa mga pambansang bangko upang matiyak ang ligtas, matatag at mapagkumpitensyang sistema ng pagbabangko na sumusuporta sa mga mamamayan, komunidad, at ekonomiya ng Estados Unidos.

 

The U.S. Mint

Ang U.S. Mint ang nagdisenyo at gumagawa ng mga baryang lokal, bullion at banyaga, pati na rin ang mga parangal na medalya at iba pang numismatic na bagay.Ipinapamahagi rin ng Mint ang mga barya ng U.S. sa mga Federal Reserve bank at pinapanatili rin ang pisikal na pag-iingat at pangangalaga ng mga asset na pilak at ginto ng ating bansa.

 

The Office of the Inspector General

Ang Inspector General ang nagsasagawa ng mga hiwalay na odit, pagsisiyasat, at pagsusuri upang matulungan ang Treasury Department na magampanan ang misyon nito, mapagbuti ang mga programa at operasyon nito; maitaguyod ang ekonomiya, kahusayan at pagiging epektibo; at mapigilan at matuklasan ang panloloko at pang-aabuso.

 

The Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA)

Ang Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA) ang nagbibigay ng pamumuno at koordinasyon, at nagrerekomenda ng patakaran para sa mga gawaing dinisenyo upang itaguyod ang ekonomiya, kahusayan at pagiging epektibo sa pagsasatupad ng mga batas sa panloob na kita.

 Nagrerekomenda rin ng TIGTA ang mga patakaran upang mapigilan at matuklasan ang panloloko at pang-aabuso sa mga programa at operasyon ng IRS at mga kaugnay na entity.