Impormasyon tungkol sa Programa sa Civil Rights

Office of Civil Rights and Diversity

Impormasyon tungkol sa Programa sa Civil Rights

Ang sinumang taong karapat-dapat na makatanggap ng mga benipisyo o serbisyo mula sa Department of the Treasury o ang mga makakatanggap nito ay karapat-dapat na makatanggap ng mga benepisyo o serbisyong ito nang hindi nakakaranas ng ipinagbabawal na diskriminasyon. Ipinapatupad ng Office of Civil Rights and Diversity ang iba’t ibang pederal na batas at regulasyon na nagbabawal sa diskriminasyon sa mga programa at gawaing pinondohan at isinagawa ng Treasury. Kung naniniwala ang isang tao na siya ay nakaranas ng diskriminasyon o pinaghigantihan dahil sa pagiging miyembro ng isang pinoprotektahang grupo, maaari siya maghain ng reklamo sa Office of Civil Rights and Diversity.

 

 

Ano ang Gagawin ng Department of the Treasury upang Matiyak ang Pagkawala ng Diskriminasyon?

Magsasagawa ang Department of the Treasury ng mga pagsisiyasat sa mga reklamo tungkol sa mga karapatang sibil laban sa mga nakakatanggap ng pinansyal na tulong sa ilalim ng anuman sa mga programa nito, at magsasagawa ito ng mga pre at post award compliance review.  Kung may matuklasang diskriminasyon, maaaring iantala ng Department of the Treasury ang mga pagkilos para sa pederal na tulong-pinansyal, magbigay ng sulat ng babala, o bilang panghuling parusa, ipagkait ang pagpopondo. Nang hiwalay sa anumang posibleng pagkilos na maaaring gawin ng Treasury, pinangangahulugan ng mga korte ang Title VI ng Civil Rights Act of 1964 na nagbibigay ng pribadong karapatan na kumilos.

 

Ano ang Diskriminasyon?

Sa pagkalahatan, tumutukoy ang diskriminasyon sa pagiging iba ng pagtatrato o epekto ng isang patakaran nang kaugnay sa isang pinrotektahang pag-uuri ng mga indibidwal.

 

Pederal na Tulong-Pinansyal at Mga Karapatang Sibil

Nilalaman ng Pahina

Patakaran ng batas at ng Treasury na hindi magkakaroon ng diskriminasyon na batay sa lahi, kulay, pinanggalingang bansa, kasarian, kapansanan o edad sa mga programa o gawaing nakakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Departamento.

 

Malaki ang sinasaklaw ng mga pederal na batas na nagbabawal sa diskriminasyon na mga gawaing nagtataglay ng diskriminasyon, kabilang ang pagkakait ng serbisyo; pagkakaiba sa kalidad, dami o pamamaraan ng serbisyo; ibang pamantayan para sa pakikilahok; mga programang hindi naa-access ng mga taong may kapansanan, at mga kasanayang nagtataglay ng diskriminasyon sa pagtatrabaho, kung ang ​pangunahing layunin ng programa ay ang magbigay ng trabaho o kung nagdudulot ang pagtatrabaho ng diskriminasyon kaugnay ng mga potensyal o aktwal na makikinabag.

 

Ano ang Pederal na Tulong-Pinansyal?

Higit sa pera ang nabibilang sa kahulugan ng Pederal na Tulong-Pinansyal. Kabilang dito ang pagbibigay ng mahahalagang serbisyo, detalye ng mga pederal na kawani, donasyon ng pederal na pagmamay-ari at mga interes sa pagmamay-ari, pagbebenta at pagpapa-arkila ng ng pederal na pagmamay-ari at ng permiso sa paggamit ng mga ito sa maliit na halaga o nang walang bayad, at anumang iba pang pederal na kasunduan, pag-aayos o iba pang kontrata, na ang pagbibigay ng tulong ang isa sa mga layunin.

 

Pangangailangan para sa Pagbibigay ng Serbisyo sa mga Makikinabang na Limitado ang Kaalaman sa Ingles

Bilang proteksyon laban sa diskriminasyon batay sa pinagmulang bansa, iniaatas ng Title VI ng Civil Rights Act na magbigay ng serbisyong pangwika ang mga tatanggap ng pederal na tulong-pinansyal sa mga makikinabang na may limitadong kaalaman sa Ingles upang mabigyang-daan ang mga pangkat na ito sa makabuluhang pakikisapi sa programa o gawain. Iniatas ng Executive Order 13166 sa mga Pederal na ahensya na pagbutihin ang access sa mga programa nito ng mga indibidwal na may limitadong kaalaman sa Ingles.

 

Pederal na Isinasagawang Programa

Nilalaman ng Pahina

Nakatali ang Pederal na Gobyerno sa mga prinsipyo ng pagkawala ng diskriminasyon sa mga pederal na isinasagawang programa at gawain nito, sa ilalim ng Section 504 at Section 508 ng Rehabilitation Act, at ng mga Executives Order sa ibaba:

Section 504 ng Rehabilitation Act of 1973 – Ipinagbawal ang diskriminasyon batay sa kapansanan.

Executive Order 13160 – Ipinagbawal ang diskriminasyon batay sa lahi, kasarian, kulay, pinagmulang bansa, kapansanan, relihiyion, sekswal na oryentasyon, at katayuan bilang magulang sa mga isinasagawang programang pang-edukasyon at pagsasanay ng Treasury.

Executive Order 13166 – “Pagpapabuti ng Access sa mga Serbisyo para sa mga indibidwal na may Limitadong kaalaman sa Ingles”<

 

Pinoprotektahan ang Iyong Mga Karapatang Sibil

Kung sa tingin mo ay nakaranas ka ng diskriminasyon mula sa isang tumatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Treasury dahil sa iyong lahi, kulay, pinagmulang bansa, edad, kasarian o kapansanan, maari kang maghain ng reklamo sa Office of Civil Rights and Diversity. Magsusuri rin ang Office of Civil Rights and Diversity ng mga reklamo tungkol sa diskriminasyon batay sa kapansanan sa mga programa at gawain ng Department of the Treasury. Ipinagbabawal ang mga pagkilos ng paghihiganti laban sa mga indibidwal dahil sa kanilang nakaraang mga karapatang sibil.

 

May awtoridad ang Office of Civil Rights and Diversity na siyasatin ang mga pagkilos na naganap 180 araw bago ang paghahain sa iyong reklamo, maliban kung may hiniling at ipinatupad na waiver sa paghahaing ito.

 

Paghahain ng Reklamo tungkol sa Diskriminasyon

Paano ako maghahain ng reklamo tungkol sa diskriminasyon sa Department of the Treasury?

Upang maghain ng reklamo tungkol sa diskriminasyon sa programa, gumawa ng sulat tungkol sa reklamo sa: Associate CHCO, Office of Civil rights and Diversity, 1500 Pennsylvania Ave, N.W., Washington, DC 20220.

 


 

Nakatuon ang Treasury sa pagpapatupad ng Open Government Initiative. Malaking hakbang ang inisyatibo sa paglilikha ng kultura ng transparency, pakikilahok, at pakikipag-tulungan sa mga operasyon ng gobyerno, na nagbubukas ng mga bagong linya ng komunikasyon at pakikipag-tulungan sa pagitan ng gobyerno at ng mga taong Amerikano. Malugod kaming tumatanggap ng iyong mga komento tungkol sa web page na ito. Mangyaring ipadala ang iyong mga komento sa:OCRD.comments@treasury.gov .