Tinatanggap ng Bureau of Engraving and Printing ang mga salaping bahagyang nasira o lubhang napinsala bilang libreng serbisyo publiko. Upang mapapalitan ang nasirang salapi gumawa ng paghahabol sa mutilated currency division.
Address na Padadalhan at Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan
USPS Delivery:
Bureau of Engraving & Printing
MCD/OFM, Room 344A
P.O. Box 37048
Washington, DC 20013
Mga Hindi Postal Courier, hal. FEDEX/UPS:
Bureau of Engraving & Printing
MCD/OFM, Room 344A
P.O. Box 37048
Washington, DC 20228
Mga Numero sa Pakikipag-ugnay sa Telepono:
(866) 575-2361 (toll-free)
(202) 874-2141
Gagawin ang lahat ng makakaya upang matugunan ang lahat ng tawag sa loob ng 48 oras. Kung gumagamit ka ng caller ID para sa mga papasok na tawag, pakitandaan na hindi tinutukoy ang mga numero ng telepono ng gobyerno para sa mga dahilang panseguridad.
Email Address para sa mga tanong at impormasyon sa katayuan ng paghahabol: MCDSTATUS@bep.gov
Maaaring ipadala o personal na ihatid ang mga nasira o “nawasak” na salapi sa Bureau of Engraving and Printing. Kapag isinumite ang nawasak na salapi, dapat kasama ang isang sulat na nagsasaad sa tinatayang halaga ng salapi at pagpapaliwanag kung paano nawasak ang salapi. Para sa Electronic Funds Transfer (EFT), ibigay ang impormasyon sa pagbabangko. Para sa mga cheke, ibigay ang pangalan ng babayaran at ang address ng pagpapadalan ng cheke.
Maingat na sinusuri ang bawat kaso ng isang bihasang tagapagsuri ng nawasak na salapi. Nag-iiba-iba ang oras na kinakailangan sa pagpoproseso para sa bawat kaso batay sa pagkakumplikado nito at ang trabahong kailangang gawin ng tagapagsuri. Aabutin ang pagpoproseso sa mga pangkaraniwang paghahabol ng 6 hanggang 24 na buwan, depende sa kundisyon ng salapi. Para sa mga kasong inaasahang tatagal nang higit sa 12 linggo upang maproseso, magbibigay ang Bureau of Engraving and Printing ng nakasulat na kumpirmasyon ng pagkakatanggap nito.
Inirerekomendang ipadala ang lahat ng nawasak na salapi sa pamamagitan ng “Registered Mail, Return Receipt Requested.” Tungkulin ng nagpadala ang pag-seguro sa padala.
Tinatanggap ang mga personal na paghatid sa nawasak na salapi sa Bureau of Engraving and printing sa pagitan ng mga oras na 8:00 am -11:30 am at 12:30 pm - 2:00 pm, Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga araw ng bakasyon at pagsasara.< Matatagpuan ang Mutilated Currency Division ng BEP sa 14th and C Streets, SW, Washington, DC 20228.
Ang Direktor ng Bureau of Engraving and Printing ang may pinakamataas na awtoridad para sa pag-aareglo ng mga paghahabol sa nawasak na pera.
Bagama’t madalas na nakakayang tukuyin ng mga tagapagsuri and dami at halaga ng nawasak na salapi, mahalaga ang maingat na pag-eempake upang maiwasan ang karagdagang pinsala.
Dapat sundin ang mga sumusunod na proseso sa pag-eempake ng nawasak na salapi:
- Anuman ang kundisyon ng salapi, huwag galawin ang mga piraso nang higit pa sa kinakailangan.
- Kung marupok o malamang na magkakahiwa-hiwalay ang salapi, maingat na i-empake ito sa plastik at bulak nang hindi ginagalaw ang mga piraso at ilagay ang padala sa isang sigurado na lalagyan.
- Kung nawasak ang salapi sa loob ng pitaka, kahon, o iba pang lalagyan, dapat itong hayaan sa loob ng lalagyan upang maprotektahan ang mga piraso mula sa karagdagang pinsala.
- Kung talagang kinakailnangang alisin ang mga piraso mula sa lalagyan, ipadala ang lalagyan kasama ng salapi at anumang iba pang nilalaman na maaaring may nakakabit na mga piraso ng salapi.
- Kung pantay ang salapi nang mawasak ito. Huwag i-rolyo o tupiin ang mga papel na pera.
- Kung nakarolyo ang salapi nang mawasak ito, huwag tangkaing alisin sa pagkakarolyo o unatin ito.
- Kung may nahalong barya o iba pang bakal sa salapi, maingat na alisin ito. Dapat ipadala ang anumang nahalo, natunaw, o kung hindi ay nawasak na barya sa U.S. Mint for evaluation